kala ko, ang saya-saya ng gimik night ko last friday. sa sobrang saya, may karma akong natanggap, saturday morning.
everytime na may hang-over ako, i would usually have 2 tablets of biogesic and take it in with either a very cold soda or iced tea. i thought it will be just the same hang-over mornings i had before but it was a different scenario.
sobrang sakit ng ulo ko pagkagising ko, so did the same thing pero nagutom din ako at the same time. so, i ate a piece of pizza na natira sa kinain namin the day before that. dun na nagsimula. pagkatapos kong kainin un pizza, gusto ko sanang bumalik sa tulog kaso am feeling something unusual.
i started to vomit. juice ko! ang vomitus ko, muntik nang kumalat sa cr. buti nalang, marunong akong magshoot. then i cleaned up and told myself na kailangan ko lang matulog.
i thought, un na un. but then i was wrong. buti nalang, my basin sa kwarto namin so dun ako nag-blow. nagising ung room mate namin at super hagod sa likod ko.
then natapos na. i gargled and uminom ng tubig. after 5 mins, ayan na ulet. paulit-ulit sya hanggang sa kulay yellow na ung vomitus ko na sobrang pait at ang pangit ng lasa. my yaba and his friends tried every remedy that could possibly relieve that vomit-y feeling. uminom na ako ng mainit na tubig, uminom na ko ng coffee but still, ganun paren. yung mainit na tubig method, parang effective but then, still the same. nataranta na ang mahal ko hanggang tumawag na sya kay mama. ayun, dala ako sa hospital. pinagalitan pa ako at kung anu-ano pa raw ang ginagawa ko.
the doctor gave me a shot of this anti-vomit-y feeling medicine. it was actually effective. nawala ung sensation ng pagvomit. i was adviced not to eat for an hour then try to eat soft foods thereafter kaso, gutom na gutom na ako so walang nagawa ang mom ko at kumaen ako ng bonggang-bongga. ung easy to digest lang naman ang kinaen ko. boneless bangus. sobrang ok na sya after. un lang pala un. gutom lang pala. thought there was something serious going on with my tummy but then kailangan lang pala ng laman.
because of this, hindi ako nakapunta sa party kela Alex. nagpainom kasi si Allan kasi regularized na! kaso hindi ren pwede kasi hindi nman ako makakainom. sayang lang.
for now, i know what to do everytime na iinom ako:
1. kakain muna bago uminom;
2. sabi nga sa commercial, drink moderately;
3. if you're drinking beer, just drink beer. if you're drinking hard liquor, just stick with it. don't mix the two or else, magiging tulad kayo saken;
4. always eat after having booze. para may laman ang tiyan before going to sleep;
5. lastly, hindi na ako iinom ng SAN MIG STRONG ICE + VODKA CRUISER. nakakadala.
0 comments:
Post a Comment