the pajero strikes back

it was 2 months ago wherein there was an incident na napagkamalan akong isang bayaran. in short, callboy.

i was about to go to work, one night, and just waiting for a jeep to arrive. siguro after 10 minutes, may dumaan na white pajero at nagpark sa harapan ko. i was wondring kung bakit sa laki ng daan and of all the places wherein he can park his pajero, sa tapat ko pa.

after a minute or two, bigla nyang binuksan ung mirror nya then told me, "sakay na."

nagulat ako and told myself, "do i know him? mukha bang nakikihitch ako? may pera naman ako ah". to my surprise, ang nasabi ko lang is "am sorry?"

bigla syang nagsalita at ang sabi ba naman eh, "bakit, magkano ba?"

from then on, alam ko na inakala nya akong callboy. i just told him na, "sorry, am not who you think i am. and besides, i already have a boyfriend and faithful ako. sorry ha." at nagsorry pa ako. at yun lang din ang nasabi nya.

after that, of course i told that story to yaba and some of my officemates. bongga daw ako sabi ng officemates ko kasi hinihintuan daw ako ng pajero. at first, i felt flattered na isang naka-pajero ang humihinto lang para saken at gusto pa akong bayaran pero ngayon, natakot na ako kasi iba na.

tuesday night. as usual, was about to go to work, one night, and just waiting for a jeep to arrive. after 10 minutes ulet, dumaan nanaman sa harap ko yung the same pajero sa huminto before. looks like he's going towards Kalentong tapos nagulat ako nung bigla syang mag-U turn then he parked his car a block away from where am standing. at sinesenyasan nya ako para lumapit ako sa car nya. he looked hesitant that time and parang pinipilit nya talaga akong sumakay sa pajero nya. buti nalang, may dumating na jeep.

sa harap ako ng jeep sumakay since wala naman nakaupo dun. pag daan ng jeep sa tapat ng pajero, sumisenyas nanaman sya para sumakay ako sa car nya. eh umalis din yun jeep so akala ko, dun na matatapos yun. but i was wrong.

sinundan nya talaga yung jeep na sinasakyan ko to the point na everytime na hihinto ung jeep for the driver to pick-up passengers, tumatapat talaga sya dun sa harap at sumisenyas paren sya saken.

i was so afraid at that time thinking, "anu ba ang kailangan sakin nito? mukhang masama ang tama sakin."

the chase had stopped bago dumating sa may tunnel going to pioneer. the jeep went straight ahead going to the tunnel tapos sya, pumanik na going to Boni.

he scared the hell out of me. i think he's around his late 20's or early 30's but though he looks cute and decent, nakakatakot parin ung ginawa nya. abot talampakan ang kaba ko nun and it made me have this phobia for white pajeros adjacent to a jeepney.

chase after the jeepney just to be hooked up? desperado ba sya? hindi naman ako gwapo ah.

pero isa lang ang alam ko kung bakit ako nagpakatatag sa tukso: mahal na mahal ko ang yaba ko at hindi ako gagawa ng kahit ano na makakasira ng relationship namin. uy, sweet lang.